Sa aming mga karatig bansa, halina't pumunta sa amin upang lakbayin natin ang lahat na magagandang tanawin. Dahil ang Pilipinas ay bansang biniyayaan. Dito niyo makikita ang iba't ibang uri ng mga tanawin, pagkain, at mga pagdiriwang na hindi niyo makakalimutan.
UNDERGROUND RIVER PALAWAN
BORACAY
Ngunit hindi lang puro mga yamang tubig ang makikita niyo sa Pilipinas mayroon ding mga yamang lupa. Tulad na lamang ng;
BANAUE RICE TERRACES
Banaue Rice Terraces na makikita sa North-Central Luzon na tinatawag na "a living cultural landscape of unparalleled beauty".
CHOCOLATE HILLS
Mayroon ding chocolate hills na makikita sa Bohol na napakaganda tingnanMayroon din dito sa Pilipinas na mga istruktura katulad na lamang ng;
RUINS
Ruins na makikita sa Talisay Negros Occidental
ST. JOSEPH THE WORKER
Ang St.Joseph the Worker ay kilala bilang Church of the Angry Christ na makikita sa Victorias Negros Occidental.
Bansang Pilipinas na siyang mayaman sa iba't ibang uri ng likas na yaman. Bansang Pilipinas na puno ng pagmamahal at pagkakaisa. Mga tanawin na kahali-halina ay dito niyo makikita at mga tanawin na magpapagaan ng inyong mga problema. Bansang pinapahalagahan at ipinagmamalaki ng bawat Pilipino. Dito sa Pilipinas hindi lamang kapuri puri na mga tanawin ang inyong makikita. Dito matitikman niyo rin ang iba't ibang uri ng mga street foods at pagkain , sigurado mapapahanga kayo sa sarap. Dahil isang daang porsyento gawang Pinoy ang lahat ng mga pagkain dito.tulad na lamang ng Isaw, Fishball, at marami pang iba.
ISAW
FISHBALL
Dito niyo rin matitikman ang masarap na Halo Halo na may iba't ibang ingrediyens, mga masasarap na pagkain na gawang pinoy tulad ng longganesa, sisig, bagoong, mangga at marami pang iba.
LONGGANESA
SISIG
BAGOONG
MANGGA
Mayroon ding mga Festival na ipinadidiwang dito sa Pilipinas tulad na lamang ng sinulog sa Kabankalan City at Cebu City, Panagbenga Festival Baguio City, Bailles de Loses sa Lacastillana, Ati Atihan sa Aklan, Pahiyas Festival sa Quezon City, at marami pang iba.
SINULOG
PANAGBENGA FESTIVAL
BAILLES DE LOSES
ATI-ATIHAN FESTIVAL
PAHIYAS FESTIVAL
Punta na kayo hindi lang kayo maaaliw mamamangha rin kayo.
BY:GROUP 6
MEMBERS:
Alvin Zamora
kyla Tacadao
Jinny Alfonso
Leny Jane Demillo
Jescery Dacillo
Maicha Mateo
Rosebell Patina
No comments:
Post a Comment